Picture
Madilim nanaman ang kalangitan uulan nanaman, bumuhos na nga ang ulan sinasabayan ang lungkot na aking nadarama. lungot ang aking nadarama para sa nasalanta ng hagupit ng habagat.

tag-araw na, liwanag sa kalangitan ay nagniningning na, bagong pag-asa nandyan na, para sa mga taong nasalanta. marami tayong magagawa upang trahedya ay hindi na maulit pa. kung may disiplina lang tayo sana hindi nagkaganito ang ating tadhana.
pero dahil sa mga trahedyang ito ay nakita ang uagali nating pilipino. tayong mga pilipino ay likas na matulungin handang ibuwis ang buhay para sa nakakarami, ang mga pilipino ay hindi makasarili handang magbigay ng tulong kahit kaunti. hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa kultura natin,isa dito ang pagbabayanihan dahil napatunayan ito noong nakaraan hinagupit tayo ng habagat. bakas sa maraming tao ang lungkot dahil sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay o hindi kaya nawalan ng titirhan. kahit marami ang nagluluksa ay karma natin yan sa kalikasan dahi kung hindi sana pinutol ang mga puno ay wala sanang bahang nararanasan. problema ay malagpasan rin kung hindi na natin uulitin ang pagkakamali sa nakaraan huwag ng ulitin sa kasalukuyan.huwag na tayong mag aksaya ng oras dahil hindi natin alam kelan ulit ito magaganap.

liwanag sa ulap nagsisilbing pag-asa ng mga tao. nagbigay inspirasyon sa mga nasalanta ng mga kalamidad, tayo bumangon at magbagong buhay na tayo mga masasama nating gawain baguhin na. tara magtanim ng puno at linisin ang mga ilog upang sa susunod ay di na maulit pa ang nangyayari at wala ng magbuwis ng buhay at mawalan ng tirahan.dahil hindi masosolusyonan ang mali kung gagawa pa uli ng mali. hindi tayo pababayaan ng Diyos nandiyaan siya nagsubaybay at gumagabay sa atin, handang makinig sa ating pananalangin, handa kaniyang patawarin kahit ano pa iyong kasalanan yan ang pangioon kaya naniniwala ako na may liwanag sa likod ng ulap.

 
 
Picture
its more fun in philippine yan ang tourism slogan natin . ito ba ang paniniwala natin?.talagang sagana tayo sa likas na yaman pero napahalagaan ba natin?

Likas may ipagmamalaki ang pilipinas sa ganda ba naman ng tanawin na ating nakikita ay tayo napamangha. parang paginip na isla na ating nakita. Halimbawa ng ipagmamalaki ay boracay, banaue rice terraces, mayon volcano, luneta park at chocolate hills. Sana ay hindi ito masira tulad ng manila bay na napakaraming basura.huwag sana natin sirain ang kalikasan dahil biyaya ito na ipinagkaloob ng panginoon. Alagaan natin ito at huwag sisirain dahil pwedeng bumalik sa atin ang ginawa natin.Likas na masiyahin ang pilipino kahit may problema ay nakangiti, pinapatawa ang kapwa pagnalulumbay, pinakikinggan ang kwento ng isa't isa at laging nagdadamayan sa lungkot o sa saya. 

Masasabi ko na its more fun in the philippines dahil hindi tulad sa ibang bansa na hindi magkakasama ang magkakapamilya, hindi tulad dito sa pilipinas na kahit may asawa na yung anak ay gusto pa ring makitira sa bahay ng magulang. ang mga pilipino ay hindi padadaig sa problema, babangon at babangon,hindi susuko sa anu mang hamon, handang tumulong sa nangangailangan yan ang pilipino.maganda ang tanawin sa ibang bansa pero mas maganda ang atin. may pagmamalaki ito kahit saan. "it's more fun in the philippines".

 

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    January 2013

    Categories

    All