Picture
Madilim nanaman ang kalangitan uulan nanaman, bumuhos na nga ang ulan sinasabayan ang lungkot na aking nadarama. lungot ang aking nadarama para sa nasalanta ng hagupit ng habagat.

tag-araw na, liwanag sa kalangitan ay nagniningning na, bagong pag-asa nandyan na, para sa mga taong nasalanta. marami tayong magagawa upang trahedya ay hindi na maulit pa. kung may disiplina lang tayo sana hindi nagkaganito ang ating tadhana.
pero dahil sa mga trahedyang ito ay nakita ang uagali nating pilipino. tayong mga pilipino ay likas na matulungin handang ibuwis ang buhay para sa nakakarami, ang mga pilipino ay hindi makasarili handang magbigay ng tulong kahit kaunti. hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa kultura natin,isa dito ang pagbabayanihan dahil napatunayan ito noong nakaraan hinagupit tayo ng habagat. bakas sa maraming tao ang lungkot dahil sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay o hindi kaya nawalan ng titirhan. kahit marami ang nagluluksa ay karma natin yan sa kalikasan dahi kung hindi sana pinutol ang mga puno ay wala sanang bahang nararanasan. problema ay malagpasan rin kung hindi na natin uulitin ang pagkakamali sa nakaraan huwag ng ulitin sa kasalukuyan.huwag na tayong mag aksaya ng oras dahil hindi natin alam kelan ulit ito magaganap.

liwanag sa ulap nagsisilbing pag-asa ng mga tao. nagbigay inspirasyon sa mga nasalanta ng mga kalamidad, tayo bumangon at magbagong buhay na tayo mga masasama nating gawain baguhin na. tara magtanim ng puno at linisin ang mga ilog upang sa susunod ay di na maulit pa ang nangyayari at wala ng magbuwis ng buhay at mawalan ng tirahan.dahil hindi masosolusyonan ang mali kung gagawa pa uli ng mali. hindi tayo pababayaan ng Diyos nandiyaan siya nagsubaybay at gumagabay sa atin, handang makinig sa ating pananalangin, handa kaniyang patawarin kahit ano pa iyong kasalanan yan ang pangioon kaya naniniwala ako na may liwanag sa likod ng ulap.




Leave a Reply.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    January 2013

    Categories

    All